Kanina, ilang hakbang
mula sa bahay ng kanyang sinta,
siya’y napatigil at tila bata
ay nabuwal nang yumanig
at mapunit ang kalsadang nagdurugtong
Sa kanyang mga paa at pinto ng gusali.
Pumutok ang bumbilya sa mga poste,
Nawala ang batang tumatawid
Sa tapat ng tumaob na trak.
Sumisigaw ang lahat ng nakulong sa kanilang mga kwarto
Habang tinutupok ng apoy ang kani-kanilang mga bahay/buhay.
Tila mga hiblang nabubuhol sa lubid,
Bago tuluyang mapigtas
Ang mga magyakapang sa kalye.
Tumigil ang pag-yanig.
Tumayo ang mga natitirang buhay at biglang
Gumiba ang kanyang mundo,
Nang ang kanyang mahal,
Sa tapat ng kanilang bahay ay dahan-
dahang niyakap
Ng gumuhong gusali.

0 comments:
Post a Comment