Tuesday, October 4, 2011

Diana

kahapon, bago umalis ng bahay si Dyana, tinawag siya ni Mama*: Diana, ituloy mo na education mo next year, please. Sinasabi ko sa'yo na napaka-dali nang buhay kapag nakapag-tapos ka.

Naisip ko, ano kayang sarap ng buhay sinasabi ni mama. Yun kayang pagka-depress at eventually pagpapatiwakal ng lolo kong engineer dahil sa fraustration sa state ng industrialization sa Pinas ang tinutukoy niya, o yung pambabarat sa sahod ng tito kong college graduate na araw-araw iniisip pagkasyahin ang sahod nilang mag-asawa sa pantustos sa iisa nilang anak na papasok sa pre-school, yung pagpapasok sa kung ilang trabaho ng nanay ko para lang mapagkasya lahat ng gastusin namin sa bahay, yung pagka-bankrupt ng mga pamangkin niya sa amerika gayong meron silang mga Phd, o yung mga balita sa TV nang massive na kawalan ng trabaho ng mga fresh graduate na nars na nagtulak sa kanya para banggitin ang "Wala talagang pag-asa sa Pilipinas", ilang linggo nang nakalipas, ang tinutukoy niya?

Saan hinuhugot ng mga nakatatandang kayraming pinagdaanan ang karanasan ng kaalwan sa buhay: sa buhay? sa telebisyon? edukasyon? diyos? Sapat para buong lakas nang loob nilang masabi ang "Sinasabi ko sa iyo" na para bang may kasigaruduhan sila sa hinaharap. Lagom ang nakaraan, tiyak ang kasalukuyan, malayo ang tanaw sa siguradong hinaharap. Ay, hindi ko talaga malaman.

Gayunpaman, umalis si Dyana kahapon nang walang imik-imik, tila nasaktan.

Kinahapunan, matapos ang mga exam at kung anu-anong acad shit ko sa araw, dumiretso ako nang senate, para muling igiit ang karapatan ng mamamayan sa libreng edukasyon? sa exposition ng gubyerno? sa pagpapabagsak ng IBP? maaaring isa sa mga ito ang dahilan, maaari ring lahat. Ngunit ang tiyak, sa pagtungtong ko sa kalye sa senado, naroon na si Diana, kasama ng mga mamamayan na sumasagot ng Mabuhay! sa sigaw nang Mabuhay ang Pambansang Demokratikong pakikibaka ng mga mamamayang Pilipino.

si Dyana, ang babaeng lumagom ng nakaraan, tumitindig sa kasalukuyan, gumagawa ng kinabukasan, para sa lahat.

0 comments:

Post a Comment