Monday, October 3, 2011

sikreto

Magiging sikreto lamang ang isang sikreto sa oras na ito ay nabunyag.

Gaya nang lahat ng bagay, maisasakatuparan lamang nila ang kani-kanilang pagiging sa oras na sirain nila sarili. At kahit na ito na ang naging kalakaran ng mga bagay, tila ba ang tao ay hindi pa rin natutuo sa libong taong pagkalikha.

Ilang milyong tao ba ang nabubuntis kada araw na ikinagugulat nang kaniyang mga kaibigan? ilang libong tao ba ang namamatay at iniyakan nang dahil sa hindi pagtanggap na ang tao ay sadyang lumilikas? ilang mangingibig ang natataranta sa oras na makatanggap nang halik sa kani-kaniyang minamahal na tila ba hindi ito inasahan?

Nakakatuwang isipin na pinaka-nagugulat/nabibigla ang mga tao sa mga bagay na dapat ay pinaka-natural na sa kaniya.

Nanlumo ang marami nang lamunin ng lupa ang Cherry Hills, ng dagat ang Phuket, ng Impyerno ang Pampanga, ng mga ganid ang mga magsasaka. Ano't parang hindi ito inaasahan?Ano't parang ito ang mga pinaka-imposibleng pagkakataon sa buhay ng sangkatauhan?

Ngunit gaya nga ng isang sikat na salawika ni Lacan: I know very well, but all the same!

All the same. Kanina, muli, nang buksan ko ang aking e-mail, at nakita ang pangalan mo sa isa sa mga mensahe na may titulo I know, hindi ko napigil ang pagsikip ng dibdib.


0 comments:

Post a Comment